Baon sa utang ang 500,000 public school teachers, ibinunyag ni Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Jesus Aranas.

Sinabi ni Aranas na nakikipag-usap na sila sa Department of Education (DepEd) para sa easy payment scheme ng mga gurong may utang sa ahensiya.

Ayon pa kay Aranas, dapat tutukan ang problema ng mga guro sa pananalapi. Nagtataka rin siya kung bakit hirap pa rin ang mga guro sa kabila ng malaki nilang buwanang sahod.

Inamin na ng DepEd na maraming guro ang may utang sa mga private lending companies bukod sa GSIS.

Musika at Kanta

Regine, 'di na kering makipagsabayan sa mga batang singer: 'It's no longer my time'

-Beth Camia