Si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte ang magpapasya kung kailan niya gustong bumisita sa Washington, D.C. bilang tugon sa imbitasyon ni United States President Donald J. Trump.

“I think it’s a question of scheduling as to when President Duterte would be able to visit the United States,” sinabi ni US Ambassador to the Philippines Sung Kim sa mga mamamahayag sa sidelines ng American Independence Day celebration sa Makati City, kahapon ng gabi.

Ayon kay Kim, patuloy nilang tatrabahuin ang imbitasyon dahil mayroong “strong interest” sa magkabilang panig para matuloy ang posibleng pagbisita ni Duterte sa US capital.

“President Trump has already invited President Duterte to visit Washington. Obviously, there are lots of important developments here in the Philippines,” dugtong ni Kim.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ito rin ang tono ni Philippine Ambassador to the US Jose Manuel Romualdez, dumalo rin sa Independence Day reception, sinabi na si Pangulong Duterte ang magdedesisyon kung kailan niya handang tanggapin ang imbitasyon ni Trump.

Ayon pa kay Romualdez, hindi naman nababahala ang Pangulo sa mga posibilidad na sasalubungin siya ng mga protesta sa pagbisita niya sa Amerika. “No, I don’t think so. Even I, I’m being faced with rallies there, too,” aniya.

Noong nakaraang buwan, binanggit ni Secretary of State Mike Pompeo ang posibilidad ng pangalawang pagkikita nina Trump at Duterte bilang follow-up sa “productive and warm friendship” na nabuo ng dalawang lider sa pag-host ng Pilipinas ng ASEAN summit sa Manila noong Nobyembre.

Sa Fourth of July reception, ginunita ni Kim ang ilang “very exciting and meaningful developments” na nangyari sa pagitan ng dalawang bansa sa nakalipas na taon, tulad ng pagtutulungan para magapi ang mga teroristang umatake sa Marawi City at patuloy na rehabilitasyon sa lugar.

Sinabi ni Kim na “in great shape” ang relasyon ng US at Pilipinas at “looks very bright” ang kinabukasan nito.

“The relationship between our two countries is very deep,” sinabi ng top US diplomat sa Manila.

-Roy C. Mabasa