Nagkasundo ang minorya at mayorya ng Senado na malabong matalakay ang binalangkas na federal state ng Consultative Committee na inatasan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa pagbabago ng 1987 Constitution.
Kakulangan ng sapat na oras ang binanggit na dahilan nina Senate President Vicente Sotto III at Minority Leader Franklin Drilon.
Iginiiit ng dalawa na pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ngayong buwan ay magiging abala naman ang Kongreso sa pagtalakay sa 2019 national budget.
Ayon kay Drilon, hanggang Pebrero lamang ang kanilang sesyon parang bigyang-daan ang paghahanda para sa 2019 elections, kaya’t malabong matalakay nila ang panukalang federalismo.
Sumang-ayon si Sotto kay Drilon, sinabi na walang sapat na oras para matalakay ito, kaya’t malabong lumarga sa Kongreso.
-Leonel M. Abasola