Tinalakay nitong Lunes ng dalawang komite ng Kamara ang mga panukalang batas para sa reorganisasyon ng sektor ng enerhiya, kabilang ang pagbabago sa pangalan ng Energy Regulatory Commission (ERC).

Sa pagdinig, tinalakay ng magkasanib na Technical Working Group (TWG) ng House Committee on Government Reorganization at Committee on Energy, ang tatlong mahahalagang panukala para mabago at mapalakas ang energy sector.

Ang mga ito ay ang House Bill 5020 o “Abolishing the Energy Regulatory Commission (ERC); HB 5961 o “Enhancing the governance structure of the ERC”; at HB 7104 o “ Streamlining the regulatory commission on energy, renaming the ERC into the Philippine Power Regulatory Commission, amending for that purpose RA 9136, otherwise known as the Electric Power Industry Reform Act of 2001, appropriating funds therefor seeking to amend the EPIRA Law of 2001 by streamlining the Regulatory Commission on Energy into the Philippine Power Regulatory Commission”.

-Bert De Guzman
Tsika at Intriga

Maris, namundok matapos maeskandalo kay Anthony