Umaasa si Senador Grace Poe na wala nang bata sa bansa ang magugutom ngayong naisabatas na ang National Feeding Program o Republic Act No. 11037 (Masustansyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act).

“Mahirap ipaunawa sa mga bata kung bakit wala silang makain dahil ang totoo, may karapatan sila sa masustansyang pagkain,” ani Poe, isa sa mga may-akda ng bagong batas.

Sinabi niya na titiyakin niyang magkakaroon ng sapat na pondo ang nasabing batas para maging epektibo ito.

Sa ilalim ng RA 11037, magkakaroon ng national feeding program para sa mga batang undernourished sa pampublikong paaralan sa elementarya, kindergarten, at day care centers.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Leonel M. Abasola