MISMONG si Taipei Deputy Commissioner at Department of Information and Tourism Chen Yu-hsin ang pumili sa Pinoy YouTube sensation na si Mikey Bustos para i-promote ang Taipei City as perfect city for food.
Kabilang sa mga ipinagmamalaki ng Taipei ang mango shaved ice, beef noodles, fried chicken at ang kanilang pamosong stinky tofu.
Ibibida rin ang pag-travel sa Taipei sa pamamagitan ng music video na My New Crushie, na base sa theme song ng 2017 Summer Universiade in Taipei City.
Tinanong ni Yours Truly si Mikey sa launching ng Fun Taipei cum food Taipei’s food tasting nito lang July 3, sa Ascot Hotel sa Makati City, kung paano niya ikukumpara ang slogan ng Fun Taipei sa tourism slogan nating mga Pinoy na “It’s More Fun In The Philippines”.
“Oooh, yah… how was it different? Ahm, the fun here in the Philippines is very unique. But Fun Taipei is also unique especially in food, shopping, you know,” sabi ni Mikey, na Inglisero dahil ipinanganak at lumaki siya sa Canada kahit na siya ay purong Pinoy, lalo na sa hitsura, up-close and personal.
At dahil more on Taipei’s food ang ipinatikim sa amin dun sa nasabing Fun Taipei launching, muling humirit si Yours Truly kung ito bang si Mikey ay naniniwala sa kasabihang “the way to a man’s heart is through his stomach?”.
“Yes, ha, ha, ha. This is so true, because my Mom is a great cook and whoever I’m gonna be with needs to be a good cook. So the way to a man’s heart and so to a woman’s heart is through food. So in Taipei, I think is a great way into someone’s heart.
“Taipei’s food brings more love interest there...there will be romance...there is something beautiful about Taipei,” aniya pa.
Hirit na tanong uli ni Yours Truly, kung may pagkakataon, bibigyan ba niya ng Taipei Foods ang paring Katoliko rito sa atin, at pati na rin si Pangulong Rodrigo Duterte para hindi na sila mag-away-away?
“Oh, so they won’t fight? Oh, yeah, go to Taipei, maybe things will be better. I don’t know, I have no comments on politics. No comment on religion. No comment on bashers, because that’s not my forte. All I know is Taipei’s food is great. So, eat Taipei’s food and travel there for peace and happiness,” sabi ni Mikey.
So, ngayon knows n’yo na ang kasagutan what’s in Taipei City in the eyes of a Filipino Internet sensation? ‘Yun na!
-MERCY LEJARDE