Standings                         W L

Che’Lu                                4 1

Go for Gold                       4 1

CEU                                     3 2

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Marinerong Pilipino     3 3

Batangas                           2 3

AMA                                    0 6

Mga Laro Ngayon:

(Ynares Sports Arena)

1 n.h. -- Go for Gold vs Batangas

3 n.h. -- CEU vs Che’Lu

MAY tsansa ang Che’Lu Bar and Grill na makabawi sa nag-iisang koponan na tumalo sa kanila sa pagsabak kontra Centro Escolar University sa pagpapatuloy ng 2018 PBA D-League Foundation Cup ngayong hapon sa Ynares Sports Arena sa Pasig.

Aminado si Revellers coach Stevenson Tiu na gustung-gusto ng kanyang koponan na makabawi sa Scorpions, na nakikita nyang may malaking posibilidad dahil sa ipinakikita ng mga ito sa nakaraang apat na laro.

“Very motivated kami,”ani Tiu patungkol sa kanilang laban ganap na 3 :00 ngayong hapon. “Since yun ang tumalo sa amin, it’s payback time.”

Tinalo ng CEU ang Chelu noong opening week, 94-78.

Ngunit ibang Che’Lu team ang makakaharap nila ngayon na namumuno kasalo ng Go for Gold .

Manggagaling ang Scorpions sa 10-day break matapos ang 97-79 panalo kontra Marinerong Pilipino-TIP.

Ginamit ni acting coach Derrick Pumaren ang nasabing break upang maitanim sa koponan ang kanyang sistema.

“We have to stay sharp. We need to catch up on the things what were supposed to do and we know that we still got things we got to work on,” ani Pumaren.

Mauuna rito, babawi ang Go for Gold sa unang kabiguang natamo sa kamay ng Chelu sa pagtutuos nila ng Batangas (2-3) ganap na 1:00 ng hapon.

-Marivic Awitan