NAGSIMULA nang maghanap ang Philippine Sports Commission (PSC) ng mga pinakamahuhusay na atleta na mapapabilang sa ikatlong pangkat ng Philippine Sports Hall of Fame.

Sa inisyal na pagpupulong na ginawa ng PSC, noong Hunyo 20 na ginanap sa Rizal Memorial Complex, kasama ng ilang mga sports officials, napagkasunduan nila ito na ang tamang panahon na muling bigyag parangal ang mga natatanging atleta na nagbigay karangalan sa bansa.

Kasama sa mga opisyal na nagkasundo rito ay sina PSC Commissioner Ramon Fernandez, Commissioner Charles Maxey, kasama sina PSI National Training Director Marc Velasco, POC Communications Director gayundin sina ABAP Secretary General Ed Picson, SBP Deputy Executive Director Bernie Atienza gayundin ang head ng GAB Boxing Division na si Dioscoro Bautista.

Dumating din sa nasabing pagpupulong sina MAP Secretary General Pearl Managuelod at si Philippine Olympians Association President at dating PSC Commissioner Akiko Thomson-Guevara.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“It is mandated by law, and is a good way to honor the sacrifices and achievements of our sports heroes” pahayag naman Fernandez.

Naitatag ang Sports Hall of Fame noong November 25, 1999, sa pamamagitan ng Republic Act No. 8757, na nilagdaan mismo ni dating Pangulong Joseph Estrada, na naglalayong mapanatili ang pamana ng Filipino Sports at magsilbing inspirasyon sa Pinoy at mga kabataan.

Kabilang sa atletang Pilipino , mga coaches at trainers na nagwagi ng gintong medalya buhay sa mga kompetisyon ng kanit na anong Southeast Asian Games, o kaya naman ay naging silver medalist sa kahit na anong Asian Games o mga regional games, gayundin ang mga bronze medalist sa kahit na anong Olympic o di kaya ay World Games, o kaya naman ay naging world champion sa kahit na anong professional o amateur sports competition.

Mismong ang Screening Committee na binubuo ng PSC Chairman, POC President, GAB Chairman, dalawang kinatawan buhat sa POC-accredited NSAs at dalawang miyembro buhat sa pribadong sektor na iboboto ng PSC ang siyang mamimili para sa mga magiging kandidato para sa nasabing parangal.

Iang botohan ang isasagawa para sa magiging Hall of Famers kung saan sampung magagaling na atletang pinoy ang kikilalanin bilang pinakamahusay na atleta ng bansa .

Kabilang sa mga naunang Philippine Sports Hall of Famers ay sina boxing legends Gabriel “Flash” Elorde, Francisco “Pancho Villa” Guilledo, Ceferino Garcia, Jose “Cely” Villanueva at ang anak nito na si Anthony Villanueva na kabilang sa pinakaunang batch, kasama din ang mga Olympians na sina Miguel White, Simeon Toribio, Teofilo Yldefonso at Carlos Loyzaga.

-Annie Abad