LONDON (AP) — Naitala ni Roger Federer ang matikas na 35 sunod na service points sa Wimbledon nitong Miyerkules matapos magwagi kay 73rd-ranked Lukas Lacko ng Slovakia 6-4, 6-4, 6-1.

Naisalansan ng 36-anyos na si Federer ang 48 winners at 11 unforced errors. Naipanalo niya ang 40 sa 43 first-serve points, at kumana ng 16 aces.

“Sometimes your serve matches up better against certain players,” pahayag ni Federer. “There’s no doubt about that.”

Pamilya, naglabas ng opisyal na pahayag sa pagpanaw ni Chino Trinidad