TATLUMPUNG lalaki mula sa iba’t ibang bansa, kabilang ang isang hearing-impaired, ang ipinakilala sa media nitong Martes, sa special presentation para sa opisyal na mga kandidata sa Man of the World pageant na gaganapin sa Resorts World Manila.

MAN OF THE WORLD Ilang candidate para sa Man of the World 2018 ang nagpakuha ng litrato sa kanilang rehersal break. (JOY ARGUIL)

MAN OF THE WORLD Ilang candidate para sa Man of the World 2018 ang nagpakuha ng litrato sa kanilang rehersal break. (JOY ARGUIL)

Ang mga kasali sa paligasahan ngayong taon ay binubuo ng mga artista sa pelikula, gym trainers, body builders, mga batang professionals, mga doktor, isang nurse, at mga modelo.

Inilarawan ni Richard Montoya, Prime Event Productions Philippines, Inc. Foundation Director for Legal, ang mga contestant ngayong taon bilang “competitive”.

Tsika at Intriga

Chloe, matapang na niresbakan nagsabing niretoke ilong niya

“The number of candidates would have been higher than 30. But for unknown reasons, some of them were not allowed by their talent management, including a popular boxer, to compete,” sabi ni Montoya. “The male pageant is all about masculinity with responsibility.”

Ayon kay Juan Carlos Cabrera Torres, ng Lima, Peru, sumali siya sa pageant para ma-inspire ang iba sa kabilang ng pagiging deaf. “I want to inspire the handicapped that me can do more.’’

Si Clint Karklins Peralta, isang registered nurse mula sa Camarines Sur, ang pambato ng Pilipinas sa pageant. Humingi siya ng tulong sa mga Pilipino na ipagdasal siya sa kanyang journey sa pageant.

Sinabi rin ng Bicolano hunk na ang Man of the World 2018 contest ang kanyang magiging huling pagsali sa pageant.

“Win or lose, after my reign in Misters of Filipinas, I am going to London to work as a nurse. I have no plans of competing in other pageants anymore,” lahad ng Filipino candidate may dugo ring Polish at Latvian.

Sa pre-pageant show, limang contestant ang nakatanggap ng Media’s Choice Awards.

Bukod sa Pilipinas at Peru, ang tatlong iba pang nakakuha ng award ay sina Kaung Htet Wai ng Myanmar; Emmanuel Luiz ng Nigeria; at Cao Xuan Tai ng Vietnam. Gaganapin ang finals sa San Juan, Metro Manila sa Sabado, Hulyo 14. Sila ay ginawaran parangal ni Jaime V. Acosta, CEO at founder of Psalmstre Entterprises, Inc.

Ang iba pang mga candidate ngayong taon ay sina Ruitao Li ng China; Eduardo Gabriel Possamai ng Brazil; Ondtei Valenta ng Czech Republic; Wiler Jair Choez Loor ng Ecuador; Ahmed Mohamed Abdalah Mohamed Abdallah Madkour ng Egypt; Kbrom Gebremeskel Gesese ng Ethiopia; Joseph Lawrence Bondoc ng Guam; Joshua Roshan Chhabra ng India; Wrendy Rifansah ng Indonesia; Mx Meshrafsha ng Iran; Anthony Cruz ng Italy; Saeed Ahmad Zaeed Hamad ng Jordan; Gilhwan Kim ng Korea; Fitir Razali ng Malaysia; Bjiorn Camilleri ng Malta; Erdenetsigt Siilegma ng Mongolia; Angel Gutierrez ng Mexico; Chandan Bishowkarma ng Nepal; Rants Rank ng Palestine; Lennie Figueroa ng Puerto Rico; Yamin Yusof ng Singapore; Anuradha Methsiri ng Sri Lanka; Abdalah Horani ng Syria; at si Natapol Srisarn ng Thailand.

-ROBERT R. REQUINTINA