Nagpositibo sa paggamit ng shabu ang 12 empleyado ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), karamihan ay traffic enforcers.

Ito ang ipinaalam ni MMDA General Manager Jojo Garcia sa press conference kahapon.

Anim naman sa mga nagpositibo, karamihan ay traffic enforcers, ang kaagad na sinibak, habang anim na permanenteng empleyado ang sasailalim sa due process.

“Even they will undergo the due process, these employees will also be terminated. I am confident because the MMDA, especially Chairman (Danilo) Lim, does not tolerate drug use,” anang opisyal.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

Isa sa mga nagpositibong empleyado ang nahuling may dalang bote na may lamang ihi, na susubukan pa sana umanong dayain ang resulta.

“He was caught with a bottle containing urine. We suspect that he was doing such for a very long time— in past MMDA administrations,” aniya.

Napag-alaman namang nasa 1,000 empleyado ng MMDA ang dumaan sa drug test at 20 porsiyento ang hindi dumaan sa pagsusuri.

Ayon kay Garcia, makatatanggap ng memo ang mga empleyadong hindi nagpa-drug test at maaaring masibak kung hindi tumugon sa ikatlong memo.

-Jel Santos