Mga Laro Ngayon

(Filoil Flying V Center)

10:00 n.u. -- Vice Co vs Air Force (men’s)

1:45 n.h. -- BanKo-Perlas vs PayMaya (women’s)

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

3:45 n.h. -- Pocari-Air Force vs Creamline (women’s)

6:00 n.g. -- Cignal vs PLDT (men’s)

KAPWA nabigo sa lower ranked rivals, kapwa nanganko ang Creamline at PayMaya nang pagbawi sa pagsalang sa Game Two ng Premier Volleyball League (PVL) Season 2 Reinforced Conference semifinals ngayon sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Nabasag ang mataas na kumpiyansa ng Cool Smashers at High Flyers sa semis series buhat sa direktang pagpasok sa round mula eliminations matapos silang pataubin ng mga nakatunggaling Pocari-Air Force Lady Warriors at BanKo-Perlas Spikers, ayon sa pagkakasunod sa Game One ng kani-kanilang series.

“We got overeager. We also wanted to win but we took it in a wrong way in this game. We have to earn it the hard way by losing. It’s not really a bad loss for the team. As they say, we learn more from losses. Hopefully this loss will make us stronger next game,” ani Creamline skipper Alyssa Valdez.matapos ang natamong straight sets na kabiguan, 23-25, 12-25, 23-25 noong Linggo ng hapon sa Lady Warriors.

Kumpara sa Cool Smashers, tumabla pa ang second seed High Flyers matapos manalo sa second set ngunit n- outplay ng Perlas Spikers’ sa sumunod na dalawang sets ,25-19, 26-28, 25-23, 25-23.

“Our three-week layoff took its toll on us. Maybe we got rusty but it will never be an excuse. A loss is a loss so we just have to accept that,” ayon kay PayMaya coach Roger Gorayeb.

Magkagayunman, parehas na naniniwala ang High Flyers at Cool Smashers na kaya nilang makabawi.

Muling magtutuos ang High Flyers at Spikers sa unang laban ngayong 1:45 ng hapon at susunod ang tapatang Pocari at Creamline ganap na 3:45 ng hapon.

Kapag nakabawi ang dalawang koponan ay magkakaroon ng sudden death match sa Biyernes. Ngunit kung muli silang mabibigo magtutuos ang Pocari at BanKo-Perlas sa finals sa Linggo sa MOA Arena.

Samantala sa men’s division, magtatangka ring humirit ng rubbermatch ang , PLDT at Vice Co l matapos mangabigo noong Game 1 kontra Cignal at Air Force.

Muling magtatapat ang Vice Co at Air Force sa unang laban ganap na 10 ng umaga habang magsasagupa naman ang PLDT at Cignal sa huling laban ganap na 6:00 ng gabi.

-Marivic Awitan