HUMINGI ng ayuda ang Larong Volleyball ng Pilipinas Inc. sa Philippine Sports Commission (PSC) para sa kanilang pangangailangan sa 18th Asian Games sa Agosto 18 hanggang Setyembre 2 sa Palembang, Indonesia.

Ayon sa liham na may lagda ni LVPI acting president Peter Cayco, kailangan ng Women’s Volleyball team ang mga kagamitan gaya ng track suits, jackets at jogging pants, sapatos, shorts, t-shirt, knee pads, maleta at back pack.

Gayunman, malabong makuha ng LVPI ang kahilingan sa PSC, gayung ayon kay PSC commissioner Ramon Fernandez, may unliquidated cash pa ang nasabing National Sports Association (NSA) na hindi pa naka klaro hanggang sa kasalukuyan.

“LVPI has 2.5 plus Million unliquidated yet,” ani Fernandez.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Matatandaan na kamakailan lamang ng magbigay ng kautusan ang Commission on Audit sa PSC na huwag bigyan ng suportang pinansyal ang mga NSAs na may ‘unliquidated cash advance’ sa PSC.

Gayundin, hindi aprubadoa ng PSC ang pagkakasama ng women’s volleyball sa delegasyon bunsod nang kabiguan nitong makapasa sa ‘criteria’ sa pagpili ng mga atleta na isasama sa Asiad.

Sinabi ni Fernandez na kung nais ng Philippine Olympic Committee (POC) na abunuhan ang gastusin ng women’s volleyball at ibabalik na lamang ng PSC ang gastos kung makakapasok sa medal round ang koponan.

“They will be reimbursed, after liquidation,” ayon kay Fernandez.

-Annie Abad