CHIANG RAI, Thailand (Reuters) – Natagpuang buhay ang 12 binatilyo at kanilang soccer coach makalipas ang sampung araw nang pagkakakulong sa binabahang kuweba at kinailangang habaan pa ang pagtitiis habang ginagawan ng paraan ng rescuers na ligtas silang mailabas, sinabi kahapon ng gobernador ng Chiang Rai province.

THANK YOU Naghihintay ng rescue ang 13 kalalakihan sa binabahang kuweba sa Chiang Rai, Thailand, kahapon.  (REUTERS/ Thai Navy Seal Facebook)

THANK YOU Naghihintay ng rescue ang 13 kalalakihan sa binabahang kuweba sa Chiang Rai, Thailand, kahapon.
(REUTERS/ Thai Navy Seal Facebook)

Nahirapan ang divers na makadaan sa makipot na lagusan at maputik na tubig para makita ang mga batang lalaki nitong Lunes ng gabi sa isang nakataas na bato may 4 na kilometro ang layo mula sa bunganga ng kuweba.

Sa video na kuha ng rescuers, maaninang sa torchlight ang mga binatilyo na nakasuot ng shorts at red and blue shirts na nakaupo o nakatayo sa bato sa ibabaw ng tubig.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“How many of you are there - 13? Brilliant,” sabi ng isang miyembro ng multinational rescue team, nagsalita sa English, sa mga binatilyo. “You have been here 10 days. You are very strong.”

“Thank you,” sabi ng isa sa mga binatilyo.

Nagtanong ang isa sa mga bata kung kailan sila makakalabas ng kuweba, na sinagot ng isang rescuer na: “Not today. You have to dive.”

Dalawang British divers, sina John Volanthen at Rick Stanton, ang unang nakarating sa mga bata, dahil sa mahabang karanasan sa cave rescue, ayon kay Bill Whitehouse, vice chairman ng British Cave Rescue Council (BCRC).

Natagpuan nila ang grupo kasama ang isang team ng Thai navy SEAL divers.

Nagpokus ang rescuers sa elevated mound, tinawag ng cavers na “Pattaya Beach”, sa third chamber ng kuweba, dahil alam nilang maaari itong maging silungan ng mga bata kapag binaha ng ulan ang kuweba.

“The SEALs reported that ... they reached Pattaya Beach which was flooded. So they went 400 meters further where we found the 13 ... who were safe,” ani Narongsak sa naghihiyawang grupo ng reporters.

Nagdiwang ang mamamayang Thai nang malaman na ligtas ang mga bata.

Nasa edad 11 hanggang 16, nawala ang mga binatilyo kasama ang kanilang 25- anyos na coach matapos ang soccer practice noong Hunyo 23 nang galugarin nila ang Tham Luang cave complex sa forest park sa hilaga malapit sa hangganan ng Thailand at Myanmar.

Binigyan na sila ng energy gels para lumakas habang binabalangkas ng rescuers ang plano para ligtas silang makalabas