DAHIL ang ultimate career goal sa buhay ni Scarlett Johansson ay ang gumanap bilang mga indibiduwal mula sa bawat marginalized group, susubukan naman ng world-renowned American Hollywood actress ang role ng isang trans man sa kanyang upcoming movie.

Scarlett

Kinumpirma ng Deadline, Variety, at ng The Hollywood Reporter ang balita na ipo-produce ng entertainment company na New Regency ang Rub & Tug, batay sa true story ni Jean Marie Gill, na isinilang na babae ngunit kalaunan ay magiging si Dante “Tex” Gill, ang lalaking nagmamay-ari ng massage parlor noong 1970s sa Pittsburgh.

Ang magdidirihe ng nasabing pelikula ay ang direktor niya rin sa Ghost in the Shell, si Rupert Sanders.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Kahit na nakatanggap ang Ghost in the Shell ng maraming pambabatikos dahil sa misrepresentation ng Hollywood sa mga karakter, dahil gumaganap si Scarlett bilang isang Japanese woman sa loob ng katawan ng isang android, hindi ito naging hadlang para tanggapin niya ang role ni Dante Gill sa Rub & Tug.

“Tell them that they can be directed to Jeffrey Tambor, Jared Leto, and Felicity Huffman’s reps for comment,” sagot ni Scarlett sa kinatawan ng Bustle, makaraang malaman ang reaksiyon ng publiko sa kanyang pagganap.

Sina Jeffrey, Jared, at Felicity ay mga kilalang aktor na gumanap bilang trans man sa kanilang mga naunang pelikula.Sa kabila ng kanyang komento tungkol sa isyu, naniniwala pa rin ang publiko na ang pagganap ni Scarlett bilang trans man ay hindi magiging sagot para mabigyan ng equal na oportunidad ang mga trans man, kahit na isapubliko man ang kanilang totoong istorya sa mundo.

-Manila Bulletin Entertainment