Inihayag kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na malaki ang naitulong ng anti-illegal drugs campaign ng gobyerno sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila.
Batay sa datos ng NCRPO, bumaba ng 25 porsiyento ang crime rate sa unang anim na buwan ng 2018, kasunod ng pagkakaaresto ng 48,886 na hinihinalang tulak at adik, gayundin ang pagsuko ng 233,896 sa Oplan Tokhang.
Sinabi ni NCRPO director Chief Supt. Guillermo Eleazar na bukod sa kampanya kontra ilegal na droga, nakatulong din sa pagbaba ng crime rate sa Metro Manila ang presensiya ng pulisya sa mga lansangan, at ang istriktong pagpapatupad ng iba’t ibang ordinansa sa mga siyudad.
Fer Taboy