Bumulagta ang isang lalaki nang pagbabarilin ng sinita nitong drug suspect sa tapat ng isang chapel sa Antipolo City, kamakalawa ng gabi.

Ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang ikinamatay ni Michael Iniquez, 40, dahil sa pamamaril ni William Raagas, nasa hustong gulang, na nakatakdang sampahan ng kasong murder.

Sa ulat ng Antipolo City Police, naganap ang pamamaril sa tapat ng isang chapel sa Purok Angela, Barangay Dela Paz, sa Antipolo City, dakong 10:30 ng gabi.

Una rito, kinumpronta umano ni Iniquez si Raagas hinggil sa umano’y ilegal nitong aktibidad sa kanilang komunidad.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

Nauwi ang kumprontasyon sa mainitang pagtatalo hanggang sa umalis ang suspek at pagbalik ay armado na ng ‘di batid na kalibre ng baril.

Agad hinanap ni Raagas si Iniquez at pinagbabaril sa pinangyarihan.

-Mary Ann Santiago