PAGKATAPOS maging isa sa mga palaban na loves ni Dennis Trillo sa romantic-comedy series na The One That Got Away, ibang Max Collins naman ang mapapanood ngayon bilang si Perfida sa afternoon prime drama series na Contessa.

Max

Marami ang kaagad na nagtanong kung sino ang kakampihan ni Perfida between Contessa (Glaiza de Castro) at Daniella (Lauren Young). Maraming nainis nang sa unang eksena ni Perfida ay ipinakilala siya ni Daniella bilang bago nilang business partner ng inang si Charito (Chanda Romero), at magiging number one enemy ni Contessa. At sa una pa lang nilang pagkikita ni Contessa ay may sampalan scenes na agad.

Hindi ba siya nailang na sampalin si Glaiza?

Relasyon at Hiwalayan

Jak masaya pang sinalubong ang 2025; netizens, napansing iba ang kasama niya

“Medyo, pero part po iyon ng eksena kaya kailangan kong gawin. Nag-usap po naman kami ni Glaiza,” sagot ni Max. “Saka sagutan naman kami ng sampal. Gusto ko mga ganoong eksena na ang kasama ko mahuhusay na artista like Glaiza.”

Noong una ay maraming nagalit kay Max nang ang kampihan niya ay si Daniella. Pero nang makitang part pala iyon ng palabas nila ni Contessa ay ang daming nag-comment na nahusayan sila sa acting ni Max. May isa pang nagsabi na gusto niyang basagin ang TV niya kasi naiinis siya, ang galing ng acting ni Max. Kahit ang husband niyang si Pancho Magno ay nagtanong kung totoo raw bang magaling ang misis niya?

Sa kuwento ni Perfida, akala raw niya ay hindi na siya makakaganti sa mga Imperial dahil sa kasalanang ginawa ng mga ito sa kanya at sa kanyang pamilya. Nagpasalamat siya kay Contessa na tinulungan siya para makabangon at makapaghiganti. Kaya usapan muna nila ay magpapanggap siyang kakampi ng mga Imperial bago sila magpapakilala ni Contessa kung sino talaga si Perfida.

Thankful si Max na nakapag-guest siya sa pinag-uusapang top-rating show na Contessa. Siya man ay may bago ring teleserye na gagawin sa GMA 7 soon. Katatapos din lang ipalabas ang pinag-usapang movie nila ni Atom Araullo, ang Citizen Jake.

-Nora V. Calderon