Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) chief, Director General Oscar Albayalde ang matagumpay na pagbuwag ng PNP-Anti-Kidnapping Group sa isang sindikato sa New Bilibid Prisons (NBP), sa Muntinlupa City.

Ito ay kasunod ng matagumpay na pagsagip ng PNP-AKG sa biktimang si Husng Bo Yu, negosyante, na dinukot noong Hunyo 24, 2018.

Ayon kay PNP-AKG Director Glen Dumlao, nasagip nila si Yu, mula sa sindikatong pinamumunuan ni Tyrone dela Cruz, inmate sa NBP, sa Canlubang Golf Club noong Hunyo 27.

Sabi ni Dumlao, si Dela Cruz ang isa sa mga nakipagnegosasyon para sa P15 milyong ransom, na ibinaba sa P2.5 milyon, para kay Yu.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Kabilang sa mga inaresto ang apat pa umanong miyembro ng sindikato na sina Ronald Gonzales Piliton, ang umano’y tumanggap ng padala; Joseph Manaig Hibek, isa umano sa mga dumukot; Michael Talagsad Austria, ang umano’y tumanggap ng ransom; at Jowie Talagsad Antiojo, safe-house owner.

Pinaghahanap ng awtoridad ang walo pang miyembro ng sindikato, na kinabibilangan umano ng isang dating pulis na si Marlon Sangalang, umano’y financier ng grupo; Mark Anthony Sabugo; Romeo Atienza Bacoto; Reynaldo Halog Jacaban; Bernardo Apuntar Atienza; Lenny Atienza Bacoto; alyas Critomo; at alyas Abel.

-Fer Taboy