KAMAKAILAN lang grumadweyt ang actor-politician na si Jolo Revilla sa Lyceum of the Philippines, sa kursong Legal Studies. Hindi rito natatapos ang pagsusunog ng kilay ng aktor at bise gobernador ng Cavite, dahil balak naman niyang mag-aral sa Harvard University sa Boston.

Jolo

“In September, I’m flying to Boston to take a short course, sa Harvard naman, sa School of Government, ‘yung Leadership for the 21st Century,” sabi ni Jolo. “Short course lang naman, dahil sa palagay ko, hindi naman puwedeng… kailangang armasan ko rin ‘yung sarili ko.”

Ang pag-aaral na gagawin daw niya sa Harvard ay hindi bilang paghahanda sa pagtakbo niya sa higher office ng gobyerno.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“I just want to take it one step at a time. I’m not planning to run with higher position. I’m only 30 years old. Pero that time will come for me.

“I’m doing this for myself, not for anyone, not for… I mean, kasi siyempre, gumagawa tayo ng mga ordinance at saka resolution as a vice governor, I’m the presiding officer of the Sangguniang Panlalawigan ng Cavite Kumbaga, dapat lang naman talaga na nag-aaral kami at patuloy na nag-aaral dahil ginagawa namin ito para sa taumbayan. So, it is a must.

“Hindi porke’t grumadweyt ka na sa pag-aaral mo, hindi ka na... kailangan continuous process ‘yan, eh. Dahil ang tao nag-e-evolve ‘yan, ‘di ba? Kung ang gadgets nga natin upgrade nang upgrade, so dapat kami nag-a-upgrade din,” paliwanag pa ni Jolo.

Balik-showbiz na rin ngayon si Jolo. Regular siyang napapanood sa FPJ’s Ang Probinsiyano ng ABS-CBN, na pinagbibidahan ni Coco Martin.

May tinatapos din siyang pelikula titled 72 Hours under Imus Productions, na part ng isang trilogy na pinagbibidahan ng dalawa pa niyang kapatid na sina Bryan at Luigi Revilla.

“Seven years (ago) pa ‘ata ako huling gumawa ng pelikula. Ang last ko ‘yun pang Si Enteng, Si Agimat at si Ako,” alala pa ni Jolo. “Sa teleserye naman, ‘yung My Binondo Girl pa ‘yung last ko. Ang tagal na rin, ‘di ba?”

Full blast na rin ba siya ulit sa pag-aartista?

“Let’s see… oo naman. Sa tingin ko naman kaya with the schedule. I think I’m doing it right naman, pahayag ni Jolo.

-ADOR V. SALUTA