Sa selda ang bagsak ng umano’y big-time illegal recruiter sa Baguio City makaraang mambiktima sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Hindi na nakaporma sa warrant of arrest si Elizabeth Mendoza, 54, ng No. 32 Cadena de Amor Street, Barangay Balangkas ng nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ang kanyang mga kasabwat na kinilalang sina Gemma Garcia at Nick Avila.

Nahaharap si Mendoza sa kasong illegal recruitment by a syndicate, sa sala ni Judge Emmanuel Cacho Rasing ng Branch 3 ng Baguio City Regional Trial Court.

National

Maza sa maritime drill ng PH, US, Japan sa WPS: ‘Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin!’

Base sa report, nakatanggap ng impormasyon ang awtoridad hinggil sa pinagtataguan ni Espiritu kaya nagkasa ng operasyon at nadakip ang suspek sa isang bahay sa No. 14 Ilang-ilang St., Bgy. Balangkas ng nasabing lungsod, bandang 4:30 ng hapon.

Nahaharap si Mendoza sa kasong illegal recruitment sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

-Orly L. Barcala