NATANGGAP ng wikang Ikalinga ang “Bantayog ng Wika” sa Kalinga State University bilang pagkilala sa kahalagahan nito sa kultura ng Pilipinas, na iginawad ng National Commission on Culture and the Arts (NCCA).

Ayon kay Kalinga State University president Eduardo Bagtang, isang karangalan at pribelehiyo ang pagkakaroon ng isang bantayog sa loob ng paaralan. Bukod sa pagiging tourist spot, tanda rin ito ng pagmamahal ng mga mamamayan ng Kalinga sa kanilang katutubong wika.

Ang Ikalinga ang wika sa matataas na bayan ng Tinglayan, Lubuagan, Tanudan, Pasil, Pinukpuk, Balbalan, Tabuk City sa Kalinga at sa ilang bahagi ng Mountain Province.

Nabanggit naman ni Komisyon ng Wikang Filipino researcher RR Kagalingan ang target ng ahensiya na makapagpatayo ng 11 Bantayog ng Wika ngayong taon.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Nitong Marso, iginawad sa wikang Tuwali ng mga Ifugao ang ikalawang Bantayog ng Wika na itinayo sa Ifugao State University sa Lamut, Ifugao.

“’Yung pagpapatayo ng structure na ito ay patunay na pinahahalagahan din natin ang wikang katutubo. Ang wika ay kamalig sya ng kultura kaya gusto namin na maunawaan ng mga kababayan nating taga kalinga (The structure is a proof that we are giving value to the ethnic languages. We want the youth in Kalinga to understand that language is a repository of culture),” pahayag ni Kagalingan.

Dagdag pa niya, naglaan si Senador Loren Legarda ng P800,000 na nagsusulong ng preserbasyon ng Kultura at Sining sa buong bansa para sa konstruksiyon ng bawat bantayog.

Ayon pa kay Kagalingan, nagtutulung-tulong ang gobyerno at ibang kultural na ahensiya para sa pagsusulong at paghikayat sa mga kultural na komunidad na mahalin ang kanilang mga wika at iwasan ang “language endangerment” o extinction.

“Napakahalaga na magkaroon ng pagmamahal, pagkilala sa ating mga wika dahil ito ang sagisag ng ating pagka-Filipino (Loving and recognizing our language is important as it represents our being a Filipino),” giit pa niya.

PNA