Pansamantalang sinuspinde ng Department of Labor and Employment (DoLE) ang pagbibigay ng alien employment permits (AEP) sa mga dayuhan sa isla ng Boracay.

Base sa Labor Advisory No. 11, series of 2018, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na saklaw nito ang mga dayuhan na nagnanais magtrabaho sa isla at mga may balidong AEP na nais mag-renew ng kanilang employment permits.

Gayunman, ang mga dayuhan na kinomisyon o pinahintulutan ng Boracay Inter- Agency Task Force ay exempted sa temporary suspension, at may permanent resident at probationary o temporary resident visa holders.

Mina Navarro
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador