MAS naging matimbang sa defending champion San Beda University sa kanilang desisyon na piliin sina big men Donald Tankoua at Toba Eugene para mapabilang sa kanilang roster na sasabak sa 94th NCAA senior basketball tournament na magsisimula sa Sabado sa MOA Arena sa Pasay City.

Hindi na sila nagdalawang isip na palaruin ulit si Tankoua dahil sa solidong performance na ipinakita ng 6-6 Cameroonian noong nakaraang season kung saan siya tinanghal na Finals MVP.

Nagpakita naman ng impresibong laro ang 6-9, at 22- anyos na si Eugene noong pre-season kaya ito napili ni coach Boyet Fernandez.

Pinalitan ni Eugene ang 6-3 na si Arnaud Noah, ang Cameroonian na nagwaging 2016 Finals MVP.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

“His height and athleticism will help us in our campaign,” paliwanag ni Fernandez.

Makakasama nina Eugene at Tankoua sa line up ng San Beda ngayong Season 94 sina Robert Bolick, Javee Mocon, Clint Doliguez, Franz Abuda, AC Soberano, Jomari Presbitero at rookie Evan Nelle.

-Marivic Awitan