Kinumpirma kahapon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na plano ng mga komunistang rebelde na patalsikin sa puwesto si Pangulong Duterte sa Oktubre ngayong taon.

Sa press briefing sa Camp Aguinaldo, Quezon City kahapon, sinabi ni AFP Spokesman Col. Edgard Arevalo na habang nakikipag-usap ang Communist Party of the Philippines-National Democratic Front-New People’s Army (CPP-NDF-NPA) sa gobyerno para sa mga kondisyon ng peace talks na papabor lang sa kilusan, nagpaplano naman ang mga ito na patalsikin sa puwesto ang Pangulo.

“They hatched this plan while the government negotiating panel was in Norway, talking to Mr. (Jose Maria) Sison, (Luis) Jalandoni, Tiamzon and (others). These Communist terrorists does not only engage us double-talk, they actually want to double-cross us,” ani Arevalo.

Aniya, nadiskubre ng militar ang planong patalsikin sa puwesto si Duterte sa mga dokumentong nasamsam nila mula sa mga nakaengkuwentrong rebelde sa nakalipas na mga araw.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“Hindi ko na muna ia-announce sa ngayon,” sabi ni Arevalo tungkol sa detalye ng umano’y oust plot. “Operational details na ‘yan, but what we can tell you is we have adopted necessary measures to ensure na they will not succeed, they should not succeed,” aniya pa.

-Francis T. Wakefield