BEIRUT (AFP) – Napatay si Hudhayfah al-Badri, anak ng lider ng grupong Islamic State na si Abu Bakr al-Baghdadi, sa pag-atake ng mga jihadist sa probinsiya ng Homs sa central Syria, ipinahayag ng IS propaganda agency na Amaq.

Nautas si Al-Badri sa ‘’operation against the Nussayriyyah and the Russians at the thermal power station in Homs,’’ sinabi ng grupo sa pahayag na may kasamang litrato ng isang binata na may hawak na assault rifle.

Ang Nussayriyyah ay terminong ginagamit ng IS para sa Alawite religious minority sect ni President Bashar al-Assad.

Nagmula sa Iraq, si Baghdadi ay binansagang ‘’most wanted man on the planet’’ at nag-aalok ang United States ng $25 milyon para sa ikahuhuli niya. Mayroon siyang apat na anak sa una niyang asawa at isang anak na lalaki sa kanyang pangalawang asawa.
Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'