PANGUNGUNAHAN ng bagong Pinoy youth olympic qualifier na si Jann Mari Nayre ang koponan ng Pilipinas na hahataw na 24th Southeast Asian Table Tennis Junior and Cadet Championship ngayon sa Robinson’s Place Naga City.

Kumpiyansa si Nayre, ikalawang Filipino na nag-qualify sa Olympic table tennis [nauna si Yan Llariba] matapos magkampeon sa kanyang dibisyon sa nagtapos na ITTF Road to Buenos Aires Youth Olympic Games qualifying event na ginanap sa Cook Island sa New Zealand.

Makakatunggali ng protege ni PTTFI president Ting Ledesma ang mga pinakamahuhusay na kabataang table netters mula Malaysia,Thailand,Indonesia, Singapore,Vietnam,Brunei at Laos at makakasama nito ang mga kakamping sina Mari Andrei Ramos,ReynaldoTemplado, Andrew Uy, at Dino Gabriel Marcelo.

Ayon kay Ledesma,ang Pilipinas bilang host nation ay puwedeng magsabak ng hanggang 2 koponan sa torneo.

New year, new career-high! Alex Eala, umarangkada bilang rank 49 sa WTA

Nagpasalamat din ang kanyang pamunuan sa todo suporta ni Naga City Mayor John Bongat na isang certified table tennis enthusiast.

Sasabak din sa prestihiyosong torneo ang kabataang Pinay na pingpong champion sa kanyang hanay si Stephanie Reign Villanueva ng Bago City matapos na mahablot ang tiket to SEATTA noong nakaraang Philippine Super League sa Ninoy Aquino Stadium.