CALIFORNIA (AP) – Nais din ni DeMarcus Cousins na matupad ang pangarap na NBA title. At malaki ang tsansa niya sa Golden State Warriors.

Pumayag sa isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$5.3 milyon si Cousins sa two-time defending NBA champions nitong Lunes (Martes sa Manila).

Kinumpirma sa The Associated Press ang kaganapan ng source na direktang may kinalaman sa usapin, ngunit tumangging pangalanan dahil wala pang pirmahang nagaganap.

Galing sa injury si Cousins na nagtamo ng pagkapunit sa kanyang Achilles tendon nitong Enero.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Kaagad naman siyang binati ng kanyang magiging teammate.

“The 3rd splash Brother,” pahayag ni two-time NBA MVP Stephen Curry sa kanyang Twitter.

Tangan ni Cousins ang averaged 25.2 puntos sa nakalipas na season sa New Orleans kung saan binuo nila ni Anthony Davis ang ‘Twin Towers’.

“5 All-Stars on 1 team.... wow,” pahayag ni Charlotte’s Frank Kaminsky sa Twitter.

Makakasama si Cousin sa rotation na binubuo nina All-Stars Kevin Durant, Stephen Curry, Klay Thompson at Draymond Green, at 2015 NBA Finals MVP Andre Iguodala.

Nauna rito, binitiwan ng Warriors si center JaVale McGee na kinuha naman ng Los Angeles Lakers para makasama ni LeBron James sa binubuong ‘Showtime Returns’ ng Lakers.

Kinuha rin ng Lakers si Lance Stephenson mula sa Indiana Pacers at selyado na rin umano ng paglipat ni guard Rajon Rondo.

Ayon sa source ng AP, pumayag na si Rondo sa alok na isang taong kontrata sa Lakers.