TUMANGGAP ng papuri ang single at music video ni Pambansang Bae Alden Richards, ang I Will Be There, mula sa GMA Records.
Nitong Hunyo 24, nagkaroon na ng pre-selling ang single niya sa iTunes at nitong Linggo ay napakinggan ang awitin ng mga avid fans na nag –download ng kanta.
Mabilis namang nag-post ang iTunes at binabati si Alden dahil nag-hit agad ito at nakuha ang top spot sa iTunesPH Top Singles upon release. Idinagdag pa nila na pwede nang mapanood ang #AldenIWillBeHereMV (music video) sa Daily Motion, na ini-release noong Linggo at kahapon naman ay ini-release na sa YouTube bandang 4:00 ng hapon.
Agad na umani ng libu-libong likes at magagandang share ang ang music video. Marami rin ang nag-share nito.
Mapapanood kasi sa MV na kasama ni Alden at nakasalamuha ang mga elderly sa isang home for the aged sa Sta. Maria, Bulacan.
Hindi naman napigilang magkomento ng mga tagahangang netizen ni Alden at sabi ni @dlonrapie69, “Marahil nasabi ko na ito sa halos lahat ng socmed platform but Im not tired of saying again @aldenrichards02 na sobrang natouch ako at naging emotional sa song rendition mo of my wedding song. U give an entirely new meaning to it. So soulful at touchy plus equally very good at talaga heartwarming MV. ALL I CAN SAY...TY SO MUCH BAE!! IM SO BLESSED TO BE UR FAN”.
Post naman ni @a_maria1104, “When I downloaded Alden’s version, naalaala ko si Nanay and I literally cried. I didn’t know that the MV was dedicated for the elders. My heart melts. Gaya ni Alden may soft spot din ako sa mga elderly people. Good job, Den! Pagpalain ka ng Diyos. Ayon kay @mcraigadenip, “Great interpretation of the song! Congrats to our dear Faulkerson!
Ipinagmamalaki naman ni @aliciacruz08 na naging idolo niya ang singer-actor: “So proud to be your fan, @aldenrichards02! DB (Daddy Bae), you have all the reason to be proud of your son!”
Sobrang nagpapasalamat si Alden sa lahat ng mga tumangkilik sa single at music video niya. Heto pa, abangan ang launching ng naturang kanta sa Sunday PinaSaya.
Ayon pa kay Alden, gagawin niya raw inspirasyon ang tagumpay ng kanyang unang single para sa pagbubuo ng kanyang kanyang third album, sa ilalim ng GMA Records.
Ang Superhero Ako theme song ng kanyang bagong action-drama-fantasy series na Victor Magtanggol, na kanyang collaboration kasama ang Ex-Batallion, ay umakyat din sa number one sa iTunes upon release.
-Nora V. Calderon