PORMAL na nagsampa ng reklamo sa FIBA (International Basketball Federation) ang Samahang Basketbol ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Legal Counsel na si Atty. Aga Francisco, laban sa hindi makatwirang pagsira ng Australian Team sa sticker na nakakabit sa gitna ng Philippine Arena basketball court.

SINA Matthew Dellavedova (kaliwa) at Thon Maker ang dalawang NBA player na kabilang sa Australian squad na haharapin ng Gilas Pilipinas.

SINA Matthew Dellavedova (kaliwa) at Thon Maker ang dalawang NBA player na kabilang sa Australian squad na haharapin ng Gilas Pilipinas.

Ipinarating ng SBP ang reklamo sa Fiba sa ginanap na technical meeting para sa Philippines-Australia Asian qualifying match Lunes ng gabi.

Sa isang close door practice ng Australia, nitong Linggo, walang pakundangan at abiso sa organizers ang pagtanggal ng koponan sa stickers na pinayagan naman ng FIBA na maikabit.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ayon sa Australian team, nagdesisyon sila na alisin ang naturang sticker dahil umano madulas.

Ayon kay SBP Deputy Executive Director Bernie Atienza, ,ay karapatan ang Australia na magreklamo, subalit hindi sila awtorisadong manira at magtanggal ng anumang kagamitan sa venue, higit at aprubado ng FIBA noon pa man.

Ayon kay Atty. Francisco, makalilikha ng suliranin sa pribadong korporasyon na naabala ng ginawa ng Australia dahil puwedeng magsampa ito ng kaukulang reklamo laban sa organizers.

Nagpahayag ng paumanhin ang Australian team, kasabay nang pag-amin sa kamaliang nagawa ng koponan.

“We urged Fiba to act decisively on the incident for fear of “turning this into an UNSAVORY international incident. Fiba should take action in order that the owners will be appeased so they will not file action,” sambit ni Atty. Francisco.

Walang pang pormal na pahayag ang FIBA sa insidente.

-Annie Abad