Ikinalugod ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpapanatili ng Pilipinas sa Tier 1 rating ng 2018 Trafficking in Persons (TIP) Report ng US State Department, at nangako na susuportahan ang kanilang kampanya upang malabanan ang human trafficking.

“We will continue to do our part to ensure that we eradicate trafficking through the strict enforcement of our immigration laws,” lahad ni BI Commissioner Jaime Morente.

Ang pahayag ng BI chief ay kasunod ng pagpapanatili ng bansa sa TIP status nito sa ikatlong makakasunod na taon, at isa sa 39 bansa sa 186 na sinuri na patuloy na nagsusumikap para malabanan ang human trafficking.

Ang Tier 1 rating ay ibinibigay sa mga ganap na sumusunod sa mga minimum na pamantayan ng US Trafficking Victim Protection Act.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Mina Navarro