SA unang pagkakataon, gaganap na pulis si Vic Sotto sa pelikula para sa Metro Manila Film Festival 2018 entry nila ni Coco Martin na Popoy En Jack The Puliscredibles.

Julia

Kundi kami nagkakamali ay first time ito ni Vic na pulis ang karakter, samantalang pulis na ang role ni Coco sa primetime teleserye niyang FPJ’s Ang Probinsyano.

Sa isang interview, nabanggit ni Coco na binubuo pa nila ang ibang cast at maraming adjustments na gagawin. May mga request na si Pauleen Luna ang gawing leading lady ni Vic at si Julia Montes naman ang ipareha kay Coco, para real-life leading ladies daw ang makakapareha ng dalawa.

Pelikula

Anne, proud kay Vice Ganda matapos mapanood ang 'And The Breadwinner Is...'

Una nang kinumpirma ng Universal Records na kasama si Maine Mendoza sa Vic-Coco movie. Sa reaction ng manager ni Maine na si Rams David, tiyak nang may aabangan ang fans ni Maine sa taunang film fest.

Sa interview pa rin kay Coco, itinanggi niyang disappointed siya sa box-office gross ng MMFF entry niya last year, ang Ang Panday. Napaulat na ang laki raw kasi ng inilabas na pera ni Coco mula sa kanyang CCM Productions, pero more than P200 million lang ang bumalik sa kanya.

Muli ring nilinaw ni Coco na hindi sila nag-tandem ni Vic upang kalabanin ang kaibigan niyang si Vice Ganda, na may entry uli sa MMFF 2018.

Matatandaang nanguna sa takilya noong nakaraang taon ang MMFF entry ni Vice na Gandarrapido: The Revenger Squad.

Ang maganda nito, mapo-promote ang Popoy En Jack sa Eat...Bulaga ng GMA-7. ‘Yun nga lang, katapat na naman nito ang noontime show ni Vice sa Dos, ang It’s Showtime.

-NITZ MIRALLES