Isang negosyante na nagalit sa pagkakaunsiyami ng pangarap ng kanyang pamangkin na maging isang pari, ang itinuturong nasa likod ng pagpatay kay Father Richmond Nilo na binaril sa loob ng isang chapel sa Nueva Ecija.

POSITIVE! Itinuro ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang computerized facial composite ni Omar Mallari, self-confessed suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, sa Camp Crame, Quezon City, kahapon. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

POSITIVE! Itinuro ni Philippine National Police chief Oscar Albayalde ang computerized facial composite ni Omar Mallari, self-confessed suspect sa pagpatay kay Fr. Richmond Nilo, sa Camp Crame, Quezon City, kahapon. (KEVIN TRISTAN ESPIRITU)

Ayon kay Director General Oscar Albayalde, hepe ng Philippine National Police (PNP), si Manuel Torres ang itinuro ng dalawang suspek na sumuko sa awtoridad na kumuha sa kanilang serbisyo upang patayin si Father Nilo kapalit ng P100,000.

Sina Torres at umano’y gunman na si Omar Mallari ay inaresto sa magkahiwalay na follow-up operations kasunod ng pagsisiwalat nina Rolando Garcia at Marius Albis.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Ayon k a y A l b a y a l d e , nagsimula ang lahat nang kasuhan ang isang seminarian, si Christopher Torres, dahil sa umano’y pang-aabuso sa apat na altar servers ni Father Nilo.

“It was Father Nilo who helped the victims in pressing charges against the seminarian which include a case of rape,” sabi Albayalde.

Naganap ang pang-aabuso noong nakaraang taon gayundin ang pagsasampa ng kaso.

“As a result, Manuel Torres got mad because his nephew Christopher Torres was not able to become a priest because of the charges. And he contacted Rolando Garcia to find a gunman,” ayon kay Albayalde na nagsabing sina Torres at Garcia ay malapit na magkaibigan.

Nagawang ma-contact ni Garcia, sa tulong ni Albis, si Mallaris na ayon sa mga pulis ay siyang nagsagawa ng planong pagpatay sa pari sa Cabanatuan City noong Hunyo 10.

-AARON RECUENCO