Ipagdiriwang ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ika-31 anibersaryo ng pagkakatatag nito sa Miyerkules (Hulyo 4) sa gitna ng lumalawak na hamon sa kapaligiran sa bansa.

Ang tema ng pagdiriwang ngayong taon na, “Ikaw, Ako, Tayo ang Kalikasan,” ay isang malakas na paalala sa mga tao na sila ay parte ng kapaligiran at responsibilidad nilang protektahan ito, sinabi ni DENR Secretary Roy Cimatu.

“Environmental protection is not the government’s responsibility alone because everyone has a part to play in protecting the environment from damage,” punto niya.

Si Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging espesyal na panauhing pandangal sa okasyon. Makikibahagi rin sa pagdiriwang ang mga dating kalihim ng DENR.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

-Ellalyn De Vera-Ruiz