Dadaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang federalism summit na isasagawa ng House Committee on Constitutional Amendments sa Southern Leyte ngayong araw.

May temang “Tourism, Environment and Agriculture (TEA) Summit: Our Vision for Progress”, idadaos ito sa Southern Leyte Gymnasium sa Maasin City.

Ayon kay Southern Leyte Rep. Roger Mercado, chairman ng komite, tatalakayin ng iba’t ibang opisyal ng mga ahensiya ng gobyerno ang mga pamamaraan kung paano uunlad ang bansa sa ilalim ng federal government.

Magsasalita ang Pangulo sa harap ng mga residente at lokal na opisyal kaugnay sa founding anniversary ng Southern Leyte at inagurasyon ng Maasin City airport.

Relasyon at Hiwalayan

Aubrey Miles, Troy Montero gumagawa ng maselang video 'for personal consumption'

-Bert De Guzman