PUMANAW na ang dating professional wrestler na si Matt Cappotelli matapos ang mahabang panahon ng pakikipaglaban niya sa cancer, sa edad na 38.

Nitong Biyernes, nagbahagi ang asawa ng WWE star, si Lindsay, ng madamdaming mensahe sa Instagram, na nagkumpirma sa mga balita.
“Today my love — my strong, sweet, beautiful love — took his last breath at 3:30 a.m. and went Home to be with Jesus…exactly one year after his brain surgery,” caption niya sa sariling larawan kasama ang kanyang asawa.
“You think you can be prepared for this when you know it’s coming, but you just can’t. The only person whose comfort I want right now is the one who can’t give it to me,” pagtutuloy niya. “I miss him so much already. I know where he is now is so much better, but it doesn’t change how much I miss him. It’s so much harder than I even thought it would be.”
Sumikat si Matt nang tumanggap siya ng kontrata sa WWE makaraang magwagi sa ikatlong season ng reality competition series na Tough Enough noong 2003, kasama ang kapwa waging wrestler na si John Hennigan.
Ilang beses na lumabas si Matt, na sumabak sa wrestling gamit ang kanyang sariling pangalan na The Flava, sa ilang WWE shows kabilang ang WWE Sunday Night Heat, Raw at Vengeance. Kalaunan ay ipinadala siya sa Ohio Valley Wrestling (OVW) para patuloy na hasain ang kanyang promotional skills at stage presence.
Gayunman, ang kanyang promising career ay naputol noong 2007 nang isiwalat niya sa fans na mayroon siyang astrocytoma, isang uri ng malignant brain cancer, at dahil dito ay kinailangan niyang sumailalim sa surgery.
Ang inisyal na gamutan ay tagumpay at halos lahat ng tumor ay natanggal. Gayunman, noong 2017, ibinunyag ni Matt na na-diagnose siyang mayroong glioblastoma multiforme, ang pinakaagresibong uri ng brain cancer.
Sumailalim ulit siya sa surgery upang tanggalin ang malaking tumor noong Hunyo 27, ngunit naospital ulit noong Disyembre.
Nitong Mayo 2018, kasunod ng sunud-sunod na konsultasyon sa kanyang neuro-oncologist, inihayag ng kanyang asawa na nagdesisyon na si Matt na itigil ang gamutan para sa kanyang mga tumor.
Matapos niyang magretiro sa wrestling, bumalik si Matt sa OVW noong 2013 upang magsilbing trainer para sa beginners program ng organisasyon. Ang kanyang pagpanaw ay ipinagluksa ng kanyang mga naturuan at fans sa Facebook, habang kapwa namang nagbigay-bugay sa Twitter ang WWE at OVW kay Matt, ulat ng Entertainment Tonight.