Inilabas ni Defense Secretary Delfin Lorenzana kahapon ang papeles na nagdodokumento sa mga dahilan kung bakit niya inirekomenda na itigil ang peace talks sa Communist Party of the Philippines-National Democratic Front (CPP-NDF).

Sa artikulo na pinamagatang “The Public Should Know”, binanggit ni Lorenzana ang walong dahilan kung bakit kinailangang ihinto ang peace negotiations sa mga rebelde.

Una, natuklasan nila na sa panahon ng unilateral ceasefire mula 2016 hanggang Enero 2017, nagdaos ang CPP/NDF/New People’s Army ng pinakamalaking 2nd People’s Congress noong Oktubre hanggang Nobyembre 2016 at ng Central Committee Plenum noong Disyembre 2016.

Sinabi ni Lorenzana na sa panahon ng dalawang okasyon, nagbalangkas ang CPP/NPA/NDF ng 3-taong plano para isulong ang revolutionary movement na kinabilangan ng “Oust Duterte Movement” sakaling hindi pumayag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Coalition Government.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Sinabi niya na pagsapit ng Enero 2017, muling pinalakas ng National Military Commission ng CPP/NPA ang naunang plano ng kapulungan.

“Using the lull in the fighting because of the ceasefire they were able to consolidate, recover their lost ground/ mass base and expand their influence,” sinabi ni Lorenzana.

Noong Mayo 2017, pormal na inilunsad ng CPP/NDF/NPA ng “Oust Duterte” operation na ayon kay Lorenzana ay magtatapos sa Oktubre 2018.

“Based on the foregoing deliberate actions of the CPP/NDF/NPA, it is obvious that they are not sincere to talk peace and end the Armed Conflict,” ani Lorenzana.

Sinabi rin ni Lorenzana na nabunyag sa pagrerepaso sa lahat ng peace documents at agreements na inilatag nito ang mga pundasyon para sa power sharing tungo sa Coalition Government.

“In fact, the GRP Panel during the Aquino Administration recommended the Abrogation of the Talks because the panel has come to the conclusion that “we were just being taken for a ride”.

‘DI SINCERE

Kasunod nito ay nagsagawa ang GRP Panel ng seryosong pag-aaral at naniniwala sila na ang NDF Panel ay hindi nagsasabi ng totoo, hindi sinsero at nais lamang makakuha ng concessions gaya ng: pagpapalaya sa mataas na opisyal ng samahan at bigyan ng panahon ang kanilang mga mandirigma na makabangon sa pagkatalo sa labanan at makapangalap ng mga bagong miyembro, ani Lorenzana.

Ayon pa kay Lorenzana, karamihan ng ICCs/IPs sa Mindanao ay ayaw sa ceasefire dahil nangangahulugan ito na magbabalik ang mga NPA sa kanilang mga komunidad.

“The IPs also wanted the CPPNDFNPA to publicly apologize for their act of crimes and terrorism against the ICCs/IPs for almost 50 years where almost a thousand IPs were murdered by the NPA,” sinabi ng defense chief.

Sinabi rin ni Lorenzana na hindi makasunod ang CPP/NDF/NPA sa apat na preconditions ng Punong Ehekutibo para makabalik sila sa negotiating table. Ang mga ito ay itinuring ng Pangulo na senyales ng sincerity:

  1. No coalition government
  2. No arson/attacks, no revolutionary tax/extortion,
  3. NPA to stay in a safe areas of their choice,
  4. No recruitment/mass mobilization.

“They (CPP-NPA) have been tagged as a terrorist organization locally and internationally. They had their chance to work for peace when President Duterte appointed four of their members to the Cabinet. But they betrayed the government when they used their positions to advance the CPP’s revolutionary movement,” ani Lorenzana.

WAR PROMOTER

Sinabi naman ng Information Bureau ng Communist Party of the Philippines, na sa pagdedetalye sa anti-peace talks policy ng government, si Lorenzana ang naging tunay na mukha ng anti-peace policy ng administrasyong Duterte batay sa kanyang one-track militarist mindset.

“To Lorenzana and his ilk of fascists, including Duterte himself, the only solution to the civil war in the country is the military solution. This is the old 1930s dogma promoted by the US military, who sees profit in every war it instigates and foments,” sinabi ng CPP.

“Lorenzana is a war promoter and consummate militarist. He wants no non-military end to the civil war in the Philippines. He fears losing significance if the present civil war in the country is settled politically through peace negotiations,” ayon pa dito.

Tinawag ng CPP sina Duterte, Lorenzana at ang AFP na “the real terrorists.”

-FRANCIS T. WAKEFIELD