SYDNEY (Reuters) – Isang Australian archbishop ang hinatulang makulong nitong Martes dahil sa pagtatago ng child sexual abuse ng isang pari, ngunit mananatiling nakapiyansa habang tinitimbang kung naaangkop siya sa home detention.
Si Philip Wilson, 67, ang pinaka-senior na Catholic cleric sa mundo na nahatulan dahil sa pagtatago ng child sex abuse. Pinag-aaralan pa ng prison authorities kung ilagay siya sa home detention, sa halip na kulungan, dahil sa kanyang Alzheimer’s. Muli siyang haharap sa Newcastle Local Court sa hilaga ng Sydney, sa susunod na buwan para sa desisyon kung saan niya pagsisilbihan ang kanyang sentensiya.