Nagdagdag ang Philippine National Police (PNP) ng 45 K-9 units upang magamit laban sa banta ng terorismo sa bansa.
S a kanyang mensahe, sinabi ni PNP chief, Director General Oscar Albayalde na ang pagbili ng bomb sniffing dogs ay alinsunod sa capability enhancement program ng PNP, upang mas mapangalagaan a n g s e g u r i d a d n g mga mamamayan.
Ayon kay Directorate for Logistics chief Jovic Ramos ng PNP, sinanay ang mga K-9 units sa pag-detect ng mga bomba at iba pang uri ng pampasabog at ilegal na droga.
Aniya, 131 na lamang ang kulang na K-9 unit upang tuluyang makumpleto ang PNP police dog.
Aniya, ang mga bagong K-9 unit ay Belgian Malinois at Labrador na madaling sanayin para sa police work.
-Fer Taboy