Natukoy ng awtoridad ang suspek sa panggagahasa at pagpatay sa isang limang taong gulang na babae sa isang bayan sa Misamis Oriental—at ito ay ang 12-anyos na kamag-anak ng paslit.

Ayon kay Senior Insp. Ron Baba, hepe ng Gitagum Police, tugma ang lahat ng ebidensiya laban sa binatilyo bilang pangunahing suspek sa krimen, at base na rin sa testimonya ng mga saksi na nagsabing ang suspek ang huling kasama ng biktima bago ang insidente sa Barangay Cogon, Gitagum nitong nakaraang linggo.

Pabagu-bago ang pahayag ng suspek na kinumpirma rin ni Barangay Cogon Chairman Antonio Palasol, Jr., na namuno sa paghahanap sa biktima, nitong Miyerkules ng hapon.

Ayon kay Palasol, isinama nila ang suspek sa paghahanap sa biktima ngunit dalawang beses umano silang iniligaw nito.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Sabi ni Baba, kinakailangan pa ring humarap ng suspek—na kasalukuyang nasa kustodiya ng mga pulis—sa korte upang harapin ang kaso at nakadepende umano sa hukom kung ite-turn over ang binatilyo sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sa report ng Scene of the Crime Operations (SOCO), maaaring hinalay muna ang bata bago pinatay sa sakal.

-Camcer Ordoñez Imam