Nais ni Pangulong Duterte na tigilan na ng militar at pulis ang pagsisisihan hinggil sa misencounter sa Samar, na ikinasawi ng anim na pulis, dahil inako na nito ang pananagutan sa naturang insidente, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, kahapon.

Inaasahan din umano ng Pangulo na palalakasin na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) ang koordinasyon sa kanilang combat operations upang hindi na maulit ang madugong insidente, ayon kay Roque.

“It’s to end the blame game. Spoken like a true leader, the buck stops with him,” pahayag ni Roque.

Nauna nang sinabi ni Duterte na inaako niya ang “ultimate blame” sa misencounter sa Sta. Rita, Samar noong isang linggo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Nagpalitan ng putok ang grupo ng mga sundalo at ng mga pulis sa pag-aakalang mga rebeldeng komunista ang kabilang panig.

May siyam ng pulis din ang nasugatan.

Sa pagdalaw ng Pangulo sa Tacloban City noong Biyernes, sinabi niya na, “Both the Filipino soldiers and Filipino policemen, I’d like to tell you that the ultimate blame is on me being the commander-in-chief.”

Nakatakdang namang ilabas ng PNP at AFP ngayong linggo ang resulta ng imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) sa misencounter.

Ito ang inilahad ni PRO spokesperson Supt. Gerardo Avengoza, ngunit hindi niya matiyak ang eksaktong araw.

A y o n k a y A v e n g o z a , ipinoproseso na ng BOI ng AFP kung sino sa dalawang panig ang lumabag sa standard operating procedure (SOP).

May ulat ni Fer Taboy

-GENALYN D. KABILING