MEXICO CITY (AFP) – Isang babae ang inihalal na mayor ng Mexico City sa unang pagkakataon sa kasaysayan nito.

Ayon sa exit polls, nanalo ang pulitiko at scientist na si Claudia Sheinbaum, 56, sa halalan para pamunuan ang pinakamalaking lungsod sa North America sa nakuhang 47.5 hanggang 55.5% ng boto, ayon sa pagtaya ng polling firm Mitofsky.

Mayroon nang babae na nagsilbing mayor ng kabisera sa interim basis – si Rosario Robles, mula 1999 hanggang 2000 – ngunit si Sheinbaum, may doctorate degree sa physics, ay ang unang babae na maihalal sa puwesto.
Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture