INIULAT na napatay ang Canadian rapper na si Smoke Dawg matapos na pagbabarilin sa Toronto, ulat ng The Independent.

Smoke

Batay sa pahayag ng Entertainment District ng lungsod nitong Sabado, sinabi ng pulisya na ilang beses umanong narinig ang pagputok ng baril at tatlong biktima ang “seriously injured” – dalawang lalaki at isang babae—na kaagad na isinugod sa ospital, iniulat ng The Independent.

Isa umano sa mga lalaking biktima ang binawian ng buhay dahil sa mga natamong sugat, saad sa Twitter post ng Toronto Police Operations Center.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Tumakas naman ang dalawang suspek, sakay sa itim na SUV o isang puting kotse, dagdag pa ng pulisya.

Inihayag ni Mustafa the Poet, isang Canadian spoken word artist, sa Twitter ang balita ng pagkasawi ng kaibigan. “Smokey is gone, may our prayers follow him to heaven.”

Nag-post din ng mensahe ang kapwa Toronto rapper niyang si Drake, kasama ang litrato nila habang magkasamang nagtatanghal sa entablado.

“All these gifts and blessed souls and inner lights being extinguished lately is devastating,” post naman ni Drake sa Instagram. “I wish peace would wash over our city. So much talent and so many stories we never get to see play out. Rest up Smoke.”

Kabilang si Smoke Dawg, na mayroong Trinidadian, Jamaican at Somalian heritage, sa up-and-coming group ng mga rapper na tinawag na Halal Gang.

Sumikat siya sa kanyang hit song na Still, tatlong taon na ang nakalipas, at kalaunan ay nakipag- collaborate sa American hip-hop artist na si French Montana at kay Skepta ng UK.

Nitong nakaraang taon, nagsimulang makilala sa buong mundo si Smoke nang kanyang suportahan si Drake sa Boy Meets World European tour ng huli.

Pinatay si Smoke dalawang linggo makaraang barilin at mapatay din ang American rapper na si XXXTentacion sa Florida dahil sa umano’y robbery