Mahigit kalahati ng mga Pilipino ang nakasuporta sa plano ng pamahalaan na isara ang isla ng Boracay para sa kumpletong rehabilitasyon at muling pagbuhay nito, ayon sa isang espesyal na survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS).

Sa isinagawang survey mula Marso 23-27, lumalabas na mula sa 1,200 respondent, 64 porsiyento ang sumusuporta sa plano (38% agreed, 26 somewhat agreed) na nagpapakita ng “very strong” net agreement score, base sa pagtataya ng SWS.

Nasa 20% lamang ang hindi sumang-ayon sa rekomendasyon ng pamahalaan na isara ang buong isla, habang 17% ang undecided.

-Ellalyn De Vera-Ruiz
Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'