TIWALA si Golden Boy Promotions big boss Oscar De La Hoya na wawakasan ni WBA welterweight champion Lucas Matthysse ng Argentina ang karera ni eight-division world titlist Manny Pacquiao ng Pilipinas sa paghaharap ng dalawang boksingero sa Hulyo 15 sa Kuala Lumpur Lumpur, Malaysia.
Kinumpirma rin ni De La Hoya na nagpo-promote kay Matthysse na ipapalabas ng ESPN ang laban at walang anumang problema sa unang pandaigdig na promosyon nila ng MP Promotions ni Pacquiao.
Idiniin niya na magreretiro si Pacquiao kapag napatulog ni Matthysse tulad ng pagtigil niya sa boksing nang mapatigil ng Pinoy boxer sa 8th round noong Disyembre 8, 2006 sa Las Vegas, Nevada.
“For me, every legend has his end and I think that this fight with Matthysse may be the end of Pacquiao,” sabi ni De La Hoya sa ESPN Deportes.
Pinasinungalingan rin ni Dela Hoya ang alingasngas mula sa kampo ni TOP Rank big boss Bob Arum na hindi matutuloy ang laban.
“I’m going to Malaysia on July 10 to be with Matthysse and Pacquiao, that fight is going to happen without any problem,” sabi ni De La Hoya.
“Matthysse is going to fight Pacquiao period, there is no other option. I don’t know why Bob Arum is saying [the event could fall out], dagdag ni Dela Hoya. “I don’t know if he just doesn’t have confidence in the work that Pacquiao is doing in Malaysia or maybe he thinks that Pacquiao is not going to carry it out because he does not have things in order, but the truth is that I know [the event will happen].”
-Gilbert Espeña