LOS ANGELES (AP) – Kailangan ni LeBron James ang tulong para magtagumpay sa Los Angeles Lakers.

Habang hinihintay ang resulta nang usapin para makuha si Kawhi Leonard sa San Antonio Spurs, nakuha ng Lakers si JaVale McGee at Lance Stephenson sa free agency.

Ayon sa ulat ng AP, pumayag si McGee sa isang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$2.4 milyon.

Malaking tulong si McGee sa matagumpay na back-to-back championship ng Golden State Warriors, ngunit lumiliit ang kanyang playing time bunsod nang matikas na laro ni Jordan Bell.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Isang season lang din ang pinirmahan ni Stephenson na kilala bilang ‘LeBron stopper’ sa second round playoff ng Cleveland at Indiana Pacers.

Nakuha rin ng Lakers si Kentavious Caldwell Pope, kasama ni James sa kanyang management agency.