James, ober da bakod sa LA Lakers; Leonard, target din

CLEVELAND (AP) — Ipinagpalit – sa ikalawang pagkakataon – ni LeBron James ang Cleveland para maging bahagi ng Hollywood.

TAG TEAM! Makakasama ni LeBron James sa kampanyang muling maging kampeon si Los Angeles Lakers phenom Lonzo Ball. Tuluyang iniwan ng ‘D King’ ang Cleveland sa multi-million deal sa Lakers sa hangaring makabawi sa Golden States Warriors. (AP)

TAG TEAM! Makakasama ni LeBron James sa kampanyang muling maging kampeon si Los Angeles Lakers phenom Lonzo Ball. Tuluyang iniwan ng ‘D King’ ang Cleveland sa multi-million deal sa Lakers sa hangaring makabawi sa Golden States Warriors. (AP)

May bagong superstar ang Los Angeles Lakers.

Chavit Singson, pangungunahan pagpapatayo ng kauna-unahang PBA Arena?

Sa inaasahang desisyon, ipinahayag ng four-time NBA MVP ang pagpirma ng apat na taong kontrata na nagkakahalaga ng US$154 milyon sa Lakers.

Unang nilisan ni James ang Cleveland Cavaliers, pumili sa kanya bilang No.1 draft noong 2003, matapos ang siyam na taon na pawang kabiguan. Nitong 2015, nagbalik sa bayang sinilangan ang three-time champion at makaraan ang isang taon ay naibigay ang pangakong titulo sa Cavs nang maitala ang pinamatikas na 1-3 pagbangon sa Finals.

Ngunit, taliwas sa mga naunang pagkakataon, kaagad na ipinahayag ni James ang desisyon isang araw matapos opisyal na mapabilang sa free agency.

Isang maigsi at payak na pahayag ang inilabas ng kanyang management agency -- Klutch Sports Group – taliwas sa kaganapan may walong taon na ang nakalilipas na naging dahilan sa pagkasira ng imahe noon ni James.

Walang plano ang kampo ni James na maglunsad ng magarbong press conference o selebrasyon sa Los Angeles. Ayon sa isang malapit na kaibigan ni James, magpapahayag ito sa publiko sa Hulyo 30 kung saan pasisinayahan niya ang pagbubukas ng isang pampublikong eskwelahan na itinayo ng foundation ng pamilya ni James sa kanyang bayan sa Akron, Ohio.

P a n g u n g u n a h a n n i James ang batang Lakers na pinangangasiwaan ngayon ni basketball legend at Lakers Hall of Famer Magic Johnson. Kung matutuloy ang negosasyon ng trade, makakasama rin ni James si Kawhi Leonard.

“Welcome to the family @ KingJames,” pahayag ni Bryant sa kanyang Twitter . “#lakers4life #striveforgreatness.”

Nagbigaynaman ng ‘three-photo tribute’ si James sa mga tagahanga ng Cleveland sa kanyang Instagram account.

“Thank you Northeast Ohio for an incredible four seasons,” sambit ni James. “This will always be home.”

Wala pang pormal na pahayag ang Cleveland management hingil sa paglisan ni James.