CALIFORNIA (AP) – Tinanggap ni free-agent star Kevin Durant ang dalawang taong kontrata na nagkakahalaga ng US$61.5 milyon upang manatiling pundasyon ng Golden State Warriors, ayon sa source ng Yahoo Sports.

Kevin Durant

Kevin Durant (AP)

Sa naturang deal, ang ikalawang taon ay player option, ayon sa league sources, sapat para mapanatili ni Durant ang option kung nanaisin niyang magbalik sa free-agent market sa 2019.

Sinandigan ni Durant, reigning two-time NBA Finals MVP, ang Warriors sa makasaysayang back-to-back championships. Bukas na libro ang kanyang desisyon na manatili sa Warriors para tuluyang mabuo ang isang ‘dynasty’.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tangan ni Durant, 29, ang averaged 26.4 puntois, 6.8 rebounds at 5.4 assists sa nakalipas na season.

Sumapi si Durant, NBA’s 2014 MVP at nine-time All-Star, sa Warriors noong 2016 matapos ang siyam na season sa Oklahoma City Thunder. Sa pagbabalik ni Durant, nanatiling solid ang frontcourt ng Warriors na binubuo nina Stephen Curry, Klay Thompson, Draymond Green at Andre Iguodala.