ONLY in the Philippines, at bukod-tanging sa DZMM lang, sa palatuntunang Dr. Love Radio Show ni Bro Jun Banaag, makaririnig ng mga awiting Pamasko pagpasok palang ng Hunyo.
Marami ang nagtataka at nagugulat sa maagang pagpapatugtog ng Christmas carols sa nasabing programa. Idagdag pang only in the Philippines din na may mga text messages na ng pagbati ng “Merry Christmas” na natatanggap si Bro Jun.
Nakausap namin si Bro Jun upang hingan ng paliwanag.
“Masarap balik-balikan ang mga magagandang memories na dulot ng Pasko. Sinimulan kong magpatugtog on June 24, araw ng aking kapanganakan, at ginawa ko na itong isang tradisyon,“ paliwanag niya.
“At saka wala namang batas na nagbabawal in playing carols [nang] sobrang aga. Sa mga malls nga, pagpasok ng ber months, ay feel mo na ang Kapaskuhan. Okay naman sa listeners ko ang ginawa ko, and I have been doing this for the past 20 years,” aniya pa.
Ang Dr. Love Radio Show ay nananatiling number one sa panggabing palatuntunan among AM stations sa nakalipas na maraming taon. It is a counseling program, o takbuhan ng mga humihingi ng payo kay Dr. Love tungkol sa iba’t ibang suliranin sa buhay.
-Remy Umerez