MAGAGANAP na ang pinakahihintay na 2018 BNTV Cup 8-Stag Derby sa Hulyo 2 sa Smart Araneta Coliseum tampok ang 22 two-stag eliminations na binubuo ng 140 entries na may P5,500 entry fee at minimum bet na P3,300.
May garantisadong cash prize na P5 milyon, mahigit sa 1,500 entries mula sa iba’t ibang sulok ng Pilipinas ang makikibahagi sa stags na pawing banded lamang ng BNTV Cup, A-Cup of Davao, BBC Super Early of Batangas, C-Cup of Caraga, CGBA of Camarines, CVBA OS of Cebu, NICBA of Negros, SGBA of Soccsksargen at Zambo Cup of Zamboanga City.
Ang iba pang elimination events ay nakatakdang gawin sa NCR/Rizal area sa Texas Cockpit Arena, Antipolo City(July 31), Morong, Rizal (Aug. 4), Pasig Square Garden (Aug. 16)
Aksiyon sa Bulacan, sa Del Monte Cockpit Arena – Open (Aug. 3), Sta. Maria Cockpit Arena –BGBA ) at Del Monte Cockpit Arena – BGBA (Aug. 17),
Habang sa Batangas, ang laban sa Calaca Cockpit (July 27), Malvar Cockpit (Aug. 15) at Darasa Cockpit (Aug. 20)
Magkaksubukan sa locos Sur sa New Vigan City Cockpit (Aug. 4), sa Pangasinan sa Sta. Barbara Coliseum (July 19), habang sa Baguio ay sa A. Tabora Sports Club (Aug.1).
Ang laban sa Pampanga / Bataan / Tarlac ay gaganapin sa New Tarlac Coliseum (July 20); Abucay Cockpit Arena (July 30); Bacolor Cockpit Arena (Aug. 6) at Bacolor Cockpit Arena (Aug. 13).
May dalawang preliminaries sa Cavite at the Imus Sports Arena (July 31) at Dasmariñas Coliseum (Aug. 10).
Sa Laguna at Quezon, ang elims ay sa Lucena Cockpit Arena (July 16) at Little Coliseum sa San Pablo City (Aug. 2), habang ialalrga sa Bicol ang straight-five event sa Iriga City Cockpit sa July 27.